*SexyLove and LoveBabe conversations*
Him: Seryoso ka na ba talaga sa pakikipaghiwalay sakin?
Me: U-uh.. O-ooh.
Him: .........................
Me: Nasaktan kasi ako eeh. Nagtampo ka si talaga ako eeh. Alam mong may problema ako pero inuna mo parin yung paglalaro ng dota. Alam mo yung pakiramdam na hindi kita ma approach dahil busy ka sa paglalaro ng dota?
Him: Sorry. Sobrang sising-sisi talaga ako. Kasalanan ko rin naman kung bakit ka nakikipaghiwalay eeh. :'(
Me: Ano ba gusto mo?
Him: Ikaw. Ano ba gusto mo? Hindi naman kita pwedeng pilitin na makipagbalikan sakin kung talagang ayaw mo na </3
Me: Let's be friends or let's be lovers?
Him: Alam mo na naman ang isasagot ko dyan diba?
Me: Kung papipiliin kita. Dota o ako?
Him: ............................
Me: See? Pangalawa parin ako dyan sa larong yan. Hindi mo parin magawang piliin ako pagdating dyan.
Him: LoveBabe alam mo naman na palagi kang una sakin dba? Pampalipas oras ko lang kasi yong dota eeh. Panghabangbuhay ka. Alam mo naman na yan lang libangan ko diba.
Me: Pano kung ayaw ko na maglalaro ka pa ng dota? Alin ang mas kaya mo? Ang mawala ang dota sa buhay mo o ako?
Him: Syempre kaya kung mawala ang dota. Mawala na ang lahat wag ka lang. Sorry, promise ko sayo hindi na ako magdodota wag ka lang talaga mawala sakin. *hugs*
Me: Hmp.. di ko rin naman kayang alisin sayo yong kaisa-isang libangan mo eeh. Sinubukan ko lang itanong sayo kung anong isasagot mo.
Him: Ganito na lang... Hihingi muna ako ng permiso sa iyo kung pwedi ba akong maglaro. Pag sinabi mong hindi, edi hindi talaga ako maglalaro. Promise! Tapos pag pumayag kana tapos kinailangan mo ko o gusto mung itigil ku na ang paglalaro, promise titigil talaga ako.
Me: Promise ah? Okay lang naman maglaro eeh, basta lang wag sumubra at wag na wag mong kakalimutan na may girlfriend ka :D
Him: Yes Boss! *hugs*
So ayun nagkaayos din kami. Kami na ulet. Yehey! Sa wakas wala na yong mabigat na pakiramdam na pasan-pasan ko saking dibdib simula nung naghiwalay kami. Para lang kaming mga sira noh? Matapos ang kadramahan magbabalikan rin pala.
Advice lang sa mga babaeng may syotang mahilig mag dota:
Relax lang tayo mga sisters! Laro lang yan! Magpasalamat nalang tayo na hindi babae ang pinaglalaruan at pinagkakaabalahan nila. Sa atin pa din ang bagsak ng mga fafa natin. Hindi naman nabubuntis ang larong dota eeh. Haha. Hindi rin naman natin sila pweding pagbawalan o kaya naman diktahan sa dapat nilang gawin dahil nakakaramdam din ng pagkasakal ang mga yan hindi lang nila masabi-sabi sa atin dahil takot silang masaktan tayo at alam din nila na tayong mga babae ay masyadong sensitive kaya mas pipiliin nila na tumahimik nalang kaysa simulan ang World War 3. Dapat nalang natin ibigay sa kanila ang pag-unawa. Dahil kahit kailan naman hinding hindi nila tayo ipagpapalit sa isang laro lang kung mahal talaga nila tayo. At kung may syota kang mas mahal ang dota kaysa sayo. Aba! wag ng magpatumpiktumpik pa. Karakaraka hiwalayan mo na. Sayang ang ganda te. Irampa mo na.
At kayo namang mga lalaki na sobrang adik sa dota na hindi na maalis-alis ang pagmumuka sa harap ng computer at ang pwet sa kinauupuan:
Okay lang naman sa amin na maglaro kayo eeh. Basta wag lang yong sobra. Huwag din lalaki ang ulo dahil may hangganan din ang aming pasensiya noh. Wag na wag niyong iparamdam na pangalawa lang yung syota niyo pagdating sa larong dota dahil mitsa na yan ng gulo o tampuhan. Kayo din. You're missing half of your life pag kami pinagpalit niyo sa isang dota lang :D