I'm Stuck on you
I've got this feeling down deep in my soul that I just can't lose
Guess I'm on my way
Needed a friend
And the way I feel now I guess I'll be with you 'til the end
Guess I'm on my way
Mighty glad you stayed
Bago niyo muna basahin 'tong ma-drama kong post nato ay click niyo muna toh. Habang binabasa niyo 'yung post ko ay pakingan niyo ang music, ohh diba bongga ! may background Medyo mahilig ako sa mga instrumental na kanta, may pinagmanahan eh, 'yung mama ko :) Nakaharap ako ngayon sa computer ko na may lagnat. Pero kaya parin. Go lang ng Go ^^
Kahapon pa 'tung lagnat ko. Inalagaan ako ng boyfie ko kahit na inaaway ko siya kahapon at ngayon. Masasabi kong napakaswerte ko sa boyfie ko dahil sobra siyang maasikaso at mapagmahal. Wala na akong mahihiling pa. Sobrang mahal ko siya. Sobrang sobra T.T at alam kong ganoon din siya sa akin. Hindi ko kayang mawala siya sakin. Pero kahit ganoon, marami parin akong kinatatakutan na baka isang araw mawala na lang siya, na wala na pala siyang nadaramang pagmamahal sakin, na baka may umagaw sa kanya. Nagagalit ako pag wala sakin 'yung attention niya. Gusto ko nasa sa akin lang parati. Pero sabi niya na hindi sa lahat ng oras ay dapat nasa sa akin 'yung attention niya dahil may mga bagay din siyang dapat gawin. Hindi ko pala alam na nasasakal ko na siya at nasasaktan/napapahirapan. Natatakot lang kasi ako na baka dumating 'yung panahon na hindi na niya ako napagtutuunan ng pansin :( Ngayon ko lang naisip na napaka selfish ko pala. Wala ata akong kwentang girlfriend. Pakiramdam ko tinutulak ko siya palayo sakin dahil sa mga pinaggagagawa ko T.T Ginagawa niya lahat para sakin. Lage niya akong iniitindi pero ako minsan hindi ko siya sinubukang intindihin dahil napaka-selfish ko. Sarili ko lang ang iniisip ko. Sarili ko lang ang ayaw kong masaktan. Pero habang inilalayo ko ang sarili ko sa sakit, siya naman itong nasasaktan. Kahit sobrang inaaway ko siya, na walang araw na hindi ko siya inaaway o nagtatampo ako sa kanya, kahit wala naman siyang ginagawa para maging ganito ako sa kanya. Sobrang may kalog lang talaga ako kaya kahit sa mga maliliit na bagay nagagalit ako. Kahit na nasasaktan ko na siya, kahit na sobrang maldita ako, kahit na ganito ako ay wala akong narinig na reklamo galing sa kanya. Tinatago niya lang ang mga nararamdaman niyang sakit dahil ayaw niyang masaktan ako at mag-alala. Lage lang siyang nasa tabi ko, naghihintay na kausapin ko siya. Siguro kung ibang lalaki toh malamang matagal na kung iniwan dahil sa sobrang moody ko. IBA SiYA. Masasabi kong iba siya dahil ramdam ko 'yun. Ayaw ko siyang pakawalan pa. Dahil alam ko na hindi nako makakakita ng lalaki na katulad niya, na kayang sakyan ang ugali ko. Na kahit anong sakit ang ibinibigay ko sa kanya andyan parin siya. Gusto kong mapasaya ko siya, na maibsan 'yung mga sakit na nadarama niya dahil sakin. Ako ang dahilan kung bakit nasasaktan siya ngayon at gusto kong palitan ito ng saya at ipadama sa kanya kung gaano ko siya kamahal, na gaano siya kahalaga sa buhay ko. Alam ko na walang perpektong girlfriend at boyfriend pero gusto ko na maging perpekto para sa kanya. Gusto ko siyang pasayahin. Masaya ako kapag nakikita kong masaya siya. Na parang wala akong dinulot na sakit sa kanya. Kaya kung ipangako sa kanya na hindi ako gagawa ng kalokohan. Hindi ko nga siya nasasaktan sa ganyang paraan pero ng dahil sa pagiging moody ko at hindi maintindihang ugali, nasasaktan ko siya. Lage kong sinasabi na babaguhin ko toh pero nagagawa ko pa din. Paulit-ulit ko na lang siyang nasasaktan. Kung minsan nga ay napag-iisip ako kung bagay ba talaga ako sa kanya. He don't deserve to be treated this way T.T Simula bukas ay babaguhin ko toh, wawalain ko 'yung pagiging moody ko huwag lang siyang mawala at masaktan ulit. Bibigyan ko siya ng time para sa sarili niya. Hindi nako magpapaka-selfish.
He mean the world to me. Kahit ganito ako, sobrang mahal na mahal ko siya ♥
Labels: bibipoknat ♥, personal