+follow home



»»» One of the best way to love a girl is to understand her, even if she acts like a monster
Friday, November 9, 2012, 8:43 PM 0 comment/s

So kahapon ay nag-away kami ng boyfie ko. Well, wala naman siyang kasalanan. Madali lang talaga akong mapikon at masyadong moody. Kahit mga maliliit na bagay na hindi naman dapat ikagalit ay ikinagagalit ko at minsan ay napapalaki ko pa ito. Hindi ko siya pinapansin kahapon at hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang kasalanan. Eeh wala naman talaga. Naging tralala lang talaga ako. Alam ko na medyo napipikon na rin siya sa akin kahapon dahil ayaw kung kausapin niya ako pero binabalewala niya lang iyon at andon parin siya sa tabi ko. Idk kung anong pumasok sa isipan ko kahapon at iniwan ko siya sa canteen ng hindi man lang nagpapaalam. Umuwi ako at hindi niya alam na uuwi ako kasi akala niya na magc-cr lang ako. Idk pero sa kanya lang ako ganito. Alam ko minsan sumusobra na din ako sa pang-aaway ko sa kanya. Nakakapagsalita na ako ng mga masasakit na salita na pagsisisihan ko rin naman sa huli.Lagin kong sinasabi sa kanya na ayaw ko syang masaktan pero ako naman itung gumagawa ng paraan para masaktan siya T.T
Talagang baliw lang ata ako eeh. Pero kahit na ganito ako, sobrang mahal ko po siya. Mahal na mahal na mahal ko siya. Nakadama ako ng takot kahapon na baka sa ginagawa ko ay maitulak ko siya papalayo sa akin at mawala na yung nararamdaman niya sa akin. At kahit ako ang may kasalanan ay siya parin ang nagpapakumbaba at nagsasabi ng sorry. Siya parati ang nagpaparaya. Ayaw kung mapagod siya sa kakaunawa sakin kaya pipilitin kung baguhin ang aking sarili. I'll discipline myself and control my temper. Babawa-bawasan ko ang pagiging moody ko. Hindi na ako magiging childish. I'll be more mature for him, for this relationship. Ayaw kung mapunta toh sa wala. Ayaw kung sayangin ang importansya at pagmamahal na ibinibigay niya sa akin.


Poknat ko ♥

        Sorry kung minsan ay pasaway ako. Sorry kung parati na lang akong nagagalit. Sorry sa pagiging moody ko. Sorry kong tralala syota mo. Pero kahit ganito po ako, gusto kung malaman mo na mahal na mahal kita. Na hindi ko po kayang mawala ka sa akin. Alam ko na sanay ka na sa akin at nasanay ka na rin sa kakasorry ko. Alam ko kung gano mo ko kamahal. Na kahit sobrang maldita ako ay andyan ka parin, parating nasa tabi ko kahit na nagagalit ako or inaaway kita. Don't give up on me okay ? I can't afford to lose you. Sobrang mahal po kita ♥

bibi ♥  

Labels: ,