+follow home



»»» Hey big-headed boy with pudding-like hair ♥
Wednesday, November 7, 2012, 10:54 PM 0 comment/s

"you'll only realize the value of a certain thing or person when its already gone''..... I wasn't able to return the love he unselfishly gave to me... He wasn't expecting anything in return but it gave me the guilt that I was too blind to see the things he did and the effort he exerted for me.... It  was too late when I realized that I lost the person that could have been the happiness that I always dream of... he loved me..... but I was too scared and I hesitated.... I didn't respond to any of his actions to make me believe that he loves me.... he got tired.... Now, I realized that I love him but its too late now to put the things the way they are before.... that's my regret =[

Mahirap pag nandiyan siya, naiinis ako, naguguluhan at parang sumisikip ang mundo ko. Pero mas mahirap pala pag wala siya. Hindi ako masaya, wala akong dahilan para tumawa. nararamdaman kong kulang pala ang buhay ko. Naging duwag ako nung mga panahon na sobra mo akong minahal. Sa totoo lang ramdam ko naman yunpero nangibabaw parin ang pride ko at yung takot na baka masaktan lang ako sayo. Iniisip ko parin kasi noon na baka nagpapadala lang ako sa emosyon ko. Lagi lang akong naghahanap sayo ng dahilan kung bakit mo nga ba ako mahal. Sarado lang yung isip ko na kailangan lahat mapatunayan mo sakin para masabi mong totoo yung nararamdaman mo. Hindi naman ganun kalakas yung loob mo pero sumugal ka pa rin. Alam mo sa sarili mo na hindi ka ganun katapang pero ginawa mo, kahit mahirap, dahil yun ang gusto ko. May mga times na alam kong napapahiya ka na dahil sa mga sinasabi sayo ng tao tungkol sa pagpupursigi mo sakin. Alam ko ilang beses mo na rin ginustong tumigil na lang kasi parang naghihintay ka lang sa wala. Sinasabi ko sayo na wala kang mapapala sakin pero at the end of every day na gusto mo nang sumuko, bumabalik karin at humihingi sakin ng sorry. Pag tinatanong kita kung bakit, iisa lang naman ang lagi mong sagot.
Sinasabi mo: "mahal lang talaga siguro kita kaya kahit anong hirap ko, naghihintay parin ako sayo. Kahit anong pilit ko na kalimutan ka, na mag move-on, di ko parin maiwasan na hanapin ka. Na lapitan ka at pasayahin."  Ang sarap pakinggan nung mga salitang yun. Dumadating na mismo sa point na gusto ko nang maniwala pero di ko alam kung bakit may tumutulak sakin papalayo sayo. All this time, wala akong ibang ginawa kundi iwasan at awayin ka.Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tinatakbuhan kita. Sinasabihan pa kita ng to be more honest and be vocal with me pero kung tutuusin mas duwag pa pala ako kasi di ko masabi-sabi sayo ang tunay kong nararamdaman. Hindi ko sinasagot ng diretcho ang mga tanong mo. Dinadaan ko palagi sa biro ang mga sinasabi mo kahit na alam kong seryoso ka na.Hindi ko naisip noon na pinapaasa na pala kita. Hindi ko naisip agad na nasasaktan na pala kita. Huli ko na narealize ang lahat ng mga bagay na dapat noon ko pa napansin. Natauhan lang ako at nagising nung oras na umiiyak ka na. Doon ko naamin sa sarili ko na OO mahal rin pala kita..... kaso ikaw ayaw mo na. Hindi naman kita masisisi kasi tao ka rin naman. Napapagod ka rin at nasasaktan. Ang tagal mo naring naghihintay sakin kaya di na maiaalis sayo yung posibilidad na tumigil at magsawa. Karapatan mo rin naman kasing lumigaya. Totoo pala talaga yung sinasabi nila na tsaka mo lang marerealize yung value ng isang bagay o tao pag wala na siya sayo. Mas masakit pa pag alam mong wala ka nang kakayahang ibalik pa yung dati. Ngayon pa na alam ko na sa sarili kong mahal na kita. Huli na. Nakakainis isipin na nagpadala ako sa pride ko. Nagpadala ako sa takot at emosyon ko na dadalhin lang pala ako sa mas masakit na yugto ngayon ng buhay ko. Masakit din pala. Siguro dumadating sakin ngayon ang karma. Sana di na lang pala ako nag alangan. Alam ko mahal mo ko pero naghanap pa rin ako ng dahilan na alam kong pinapakita mo naman simula pa lang. Hindi ko lang tiningnan kasi akala ko may mas higit pa. Hindi ako nag take ng risk. Nagpadala rin ako sa sinasabi ng ibang tao. Hindi ko naisip na sinakripisyo ko pala ang sarili ko sanang kaligayahan dahil nabulag ako sa pasya ng iba. Hindi naman kasi sila yung tunay na nakakaalam ng damdamin ko... ako lang. Sana maging masaya ka. Kung makakakita ka na ng bagong mamahalin mo, sana maibigay niya sayo yung pagmamahal na dapat mong matanggap. Yung pagmamahal na sana ako ang nagbibigay sayo ngayon kung di ko pinabayaang mawala. Alam ko hindi na ako deserving sa pagmamahal mo pero kung sakaling napagod ka lang pero di ka tumigil sa pagmamahal sakin at kung may balak ka paring ituloy...... wag kang mag-alala, ETOH PARIN AKO.

-- bibi :33

Labels: